Miyerkules, Nobyembre 23, 2011
kA.LURKZ :p
LOVE-LESS..
Haler mga kabaro, kaberks, tita at tito, ate at kuya, tsong at tsang, bunso.
So heto nanaman ako upang magsumbong, mag react, chumorva chenelyn sa inyo---dear readers.
After super mega tagal na paggging single ng LOLA nyo.. heto nanaman aketch upang masearch na kafafa-han upang mag painit sa aking tuto at walang kalatoy latoy na mga gabi, umaga, tanghali, hapon at medaling araw. In search of Mr. Papabol ay mega desperate moves na ang inyong glamorosang LOLA upang makabingwit lamang ng isang malaki, mataba, mahaba at matigas (ehem, ehem.. iba na po ata ito ah.. haha) na papabol ma pwede kong pag alayan ng aking puson ay esti puso pala at kaluluwa..(ayUn oh!) Infernes, mailap si papabol sa akin dahil ang hirap nyang hanapin ha! Well sa seriosu part na tayo pwede? acting aktingan muna.. ECHUSERA!
Hayan, matapos akong makipaghiwalay sa aking EKS WAY ZEY ay in search pa rin ako kai MR.RIGHT. Alam nio naman ang LOLA nio, iniisip ko kasi na hindi naman basta basta lng dadating yun sa buhay mo.. hinahanap din un.. at pinagpapray syempre.. Actually, I began praying for MR. Right na.. I don't know why but i think i needed to. Matapos ang ilang palyadong relationship at ilang mga fling (ehem..fling talaga?.. malandi?..) ay nagsawa na dn ang LOLA nio at gusto ko naman ng isang tao na makakasama ko sa buhay! (Yes! winner!) Sa totoo lang, nalulungkot ako, ksi hndi naman ako sanay mag isa at walang kasama. Mula kasi nung nag trabaho na ako ay super wala na kong nakakasama. Tapos tinamaan naman ako dun sa nabasa ko na "Fall inlove when you are ready, not when you are lonely." eh pano yan? Ready naman ako lagi, nagkataon lang na lonely den ako..hahaha! Nag dadahilan pa noh.. ehh! Ewan ko, basta ayoko na ng palyado. Naisip ko mag try ng isang taong "HINDI PWEDE" pero good na talaga ako eh! Ayoko ng makasakit at ayoko ng mag paasa kasi alam ko na masakit yun! (naks!IMPROVING!) Saka wala rin naman akong mapapala.Mapapagastos lang sila hahaha! Kiddingly aside, I don't want to waste any emotion anymore. Nakakapagod. Nakakasawa. Aminado naman ako na chossy pa din ako.. hahaha! Wala namang nagbabawal maging choosy ah! For example, pano ka gigising sa umaga kung ang katabi mo sa kama ay isang halimaw na lamang lupa, kulay yellow ang ngipin, amoy putok ang hininga tapos parang spikes ng sea urchin ang buhok at super kapal ng libag! Di ba? Kahit naman siguro hndi ka choosy aayaw ka dun.. hahaha! Pano ka gaganahan dun? (uyyy.. wag tayong green! haha) So pili pa din tayo ng medyo okay naman. PRESENTABLE. Okay na sakin yun. Basta super love nya ko na wala kong madadahilan para hndi ko sya mahalin. ECHING!
Madami na kong nakitang pwede kaso parang hindi pwede. Gulo nOh! Hndi ko alam kung magugustuhan nila ako.. Chossy na din sila? Haha! Sino ba naman kasing matino ang tatagal sa saltik ko sa utak dba? CRUSH, CRUSh na lang.. Ganun. Parang bata. Pero Okay na yun. Siguro maghihintay na lang ako ng mas matagal pa. Baka naman kasi sa next life pa pala kami magkita dba? haha.. Ewan ko! Hintay hintay nalang siguro.
Sa ngayon wala pa din ako naiispatan, o baka wala na talaga?..Ayoko ng malungkot, ayoko ng mag isa. Hndi ko naman sinasabi na yun lang ang magiging kasiyahan ko, pero iba parin kasi pag may tao na sasalo sayo pag galit na galit ka na sa boss mo, sa trabaho, sa bahay, sa lipunan, karamay sa problema, pag madami kang reklamo sa buhay mo, makakasama sa galaan, sinehan, lakwatcha atbp.. at pag galit ka na sa mundo, may magbibigay sayo ng dahilan para mahalin muli ito. Iba parin yung may kalandian.. HAHA! yun pala ang point noh..
Mahirap magsulat! pero madaling isulat ang mga ganitong bagay para sakin dahil hndi ko sya iniisip. Kusa nalang nag tatype yung mga kamay ko sa keyboard tapos madami nakong nasasabi..
Maiintindihan nio rin cguro ako kung kayp nasa kalagayan ko. Siguro nga hindi utak ko ang nag susulat ngayon kundi ang Puso ko.(MAy ganun?) Anyway, sa susunod ulit mga tropapips.. partey partey muna.. BREAK na!
~I've read dis one.. KA.LURKZ.. :))
rElate mUch.. mUCh.. THUMB UPS for si :))
LIEZL PERDEZ a.k.a MS.siOux
6:12pm
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento